KALIBO, Aklan—Umabot sa kabuuang 36,741 ang naitalang bilang ng mga lumahok sa Beach Dancing and traditional Sadsad Panaad sa ginanap na sariling bersyon ng Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2024 sa isla ng Boracay.
Batay sa datos na ipinalabas ng Malay Municipal Tourism Office, ang nasabing bilang ay kinabibilangan ng tinatayang 5,841 participants sa kategoryang Balik Ati, Tribal and Commercial Groups habang 10,919 naman ang mga turista at 20,000 ang mga deboto.
Sa pangunguna ni Malay Mayor Floribal Bautista katuwang ang Municipal Incident Management Team na inactivate ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) at iba pang force multipliers ay nakamit ang zero incident sa kabuuan ng selebrasyon.
Ang tagumpay ng mga aktibidad at iba pang events na isinagawa ay dahil sa mahigpit at pinalakas na emergency preparedness, response, safety, security, and peacekeeping.
Sa kabilang dako, humataw sa unang dalawang linggo ng Enero ang tourist arrival sa nasabing isla.
00 g ahensya na 83,479 tourist arrival mula Enero 1-15 ng kasalukuyang taon.
Sa naturang bilang, 61,768 ang mga domestic tourist; 2,464 naman ang overseas Filipinos at nasa 19,247 ang mga dayuhang turista.
Kaugnay nito, inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Malay na lalo pang tataas ang tourist arrival sa isla sa mga susunod na araw na magreresulta sa tuluyang pagbangon ng industriya ng turismo na makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan ng Aklan at buong bansang Pilipinas.