NAGA CITY- Tinatayang aabot sa mahigit sa 400 na mga na augmented na linemens ang dumating na ngayon sa probinsya ng Camarines Sur mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nilda Somera, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sinabi nito na sa ngayon ay patuloy na umano ang
ginagawang pagsasaayos ng ahensya sa mga nasirang poste ng kuryente katulong na rin ang mga augmented linemens mula sa task force KAPATID.
Ngunit dahil ilan pa rin sa mga lugar sa probinsya ang kasalukuyang lubog parin sa baha, kung kaya asahan umano ang posibleng matagal na pagbabalik ng supply ng kuryente sa ilang mga lugar sa probinsya.
Nabatid na sa kabuuan tinatayang aabot sa 755 na mga transmission ang nasira ng bagyong Rolly habang 47 na mga backbone struktures naman ang naitala sa Bicol Region.
Samantala, ayon kay Somera ngayong araw umano muling magsasagawa ng airial inspection ang ahensya para sa posibleng pagrelease ng supply ng kuryente sa ilang mga bayan sa Camarines Sur.
Sa ngayon, patuloy parin umano ang ginagawang assesment ng ahensya para sa kabuuang bilang ng mga pinsala at poste ng kuryente na kinakailangan punan ng ahensya dala ng pinsala ng Super Typhoon Rolly sa Bicol Region.