-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nasa 508 na mga baboy ang isinailalim sa culling dahil sa African Swine Fever (ASF) dito sa lungsod ng Heneral Santos.

Ito ay matapos napatunayan na infected ng ASF ang mga baboy sa Purok San Lorenzo Ruiz, Apopong, GenSan.

Ayon kay Dr. Antonio Marin, department head ng City Veterinary Office na kanilang kinuha ang mga baboy sa lugar para makontrola ang tinatawag na ”full blown outbreak” ng ASF.

Dagdag pa nito na noong Enero 12, 2022 nang nakarating sa kanilang opisina ang report na may mga namatay na baboy sa naturang lugar.

Kaagad sila nagkuha ng blood sample at nakumpirma na infected ng ASF ang baboy.

Inamin nito na nakalusot sa kanilang pitong ASF checkpoints ang mga infected na mga pork products kaya natala ang naturang kaso sa lungsod.

Napag-alaman na ang GenSan ay pinakamalaking producers sa baboy sa buong Pilipinas matapos naapektuhan ang ASF ang Luzon.

Dahil dito maraming mga negosyante ang nag-aalala baka lumala pa ang sitwasyon ng ASF sa lungsod.