KALIBO, Aklan – Mahigit sa 600,000 na turista ang bumisita sa isla ng Boracay simula Enero 1 hanggang Abril 15 ng kasalukuyang taon.
Batay sa datos ng Municipal Tourism Office, ang mga dayuhang turista ay nakapagtala ng 357,041 habang ang lokal na turista ay umabot sa 240,745 at ang overseas Filipino workers (OFWs) ay 22,148.
Simula Abril 1 hanggang 15, nakapagtala ng 107,218 na turista at karamihan dito ay mga banyaga.
Malaking bahagdan ng mga turista ay pawang mga Chinese at Korean nationals.
Ang iba pang mga dayuhang turista na pumasok sa Boracay sa nasabing period ay mula sa mga bansang USA, Taiwan, Russia, Japan at United Kingdom.
Nananatiling nasa 339 ang accredited hotels and resorts sa isla na may 12,083 na kwarto.
Nabatid na noong nakaraang taon, nakapagtala ng 941,068 na turista sa kabila ng anim na buwang pagpapasara sa Boracay at 2 million na turista noong 2017.