-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umaabot na 610,364 ang fully vaccinated kontra Coronavirus Disease (Covid-19) sa probinsya sa Cotabato.

Ito ang kinomperma ni Integrated Provincial Health Office (IPHO-Cotabato) head Dra Eva Rabaya.

Nangunguna ngayon ang limang bayan sa probinsya ng Cotabato na may mataas na vaccination roll out,itoy kinabibilangan ng mga sumusunod;

  1. Kidapawan City 94.12%
  2. President Roxas 76.26%
  3. Arakan 75.71%
  4. Antipas 65.40%
  5. Pigcawayan 62.45%

Samantala, 594, 240 naman ang nakatanggap ng kanilang 1st dose.

Ngunit problema rin ngayon sa ilang bayan ang mga bakunador dahil maraming mga healthworkers ang nagpositibo sa Covid 19.