-- Advertisements --
PECO
PECO

ILOILO CITY – Babayaran na umano ng Panay Electric Company ang mahigit sa P100 million na real property tax sa Iloilo City Government.

Ito ang kasunod ng closed door meeting na isinagawa sa pagitan nina Iloilo City Mayor Jerry Treñas at Marcelo Cacho, Administrative Manager ng nasabing kompanya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Eloisa Sy, legal counsel ng Panay Electric Company, kinumpirma nito na magbabayad na ang kompanya at sa katunayan, mayroon na itong kasunduan.

Ayon kay Atty. Sy, posible na sa mga susunod na araw pa makakabayad ang kompanya kung maaprobahan at maratipikahan na ng Iloilo City Council ang kabuuang utang.

Ayon sa inisyal na impormasyon galing sa Iloilo City Government, umaabot sa P134 million ang dapat bayaran ng Panay Electric Company kung saan P59 million ang principal payment at P75 million naman ang second at third assessment base sa kanilang ari-arian.

Napag-alaman na una ng inihayag ni Mayor Treñas na kaniyang isasali sa auction sa Disyembre 12 ang ilang ari-arian ng kompanya bilang bayad sa real property tax.