ILOILO CITY – Umaabot sa P1.7 million ang halaga mga nasunog na ari-arian sa Brgy. Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City kung saan 15 bahay ang aabo at tatlo naman ang partially burned.
Ang sunog ang nagmula sa abandonadong bahay ni Alofe Prevendido at kaagad na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga katabing bahay.
Samantala, isang bahay naman ang nasunog sa Q. Abeto sa nasabing distrito dahil umano sa nabayaang niluto.
Laking pasasalamat ng may-ari na si Teresita Lopez, 73, na hindi na kumalat ang apoy at nakaligtas siya sa sunog.
Ayon kay Lopez, lumabas siya sandali upang magwalis ng bakuran at kalaunan ay narinig na lamang niya ang pagsigaw ng kanyang mga kapitbahay.
Maliban kay Lopez, nailigtas rin ng mga bombero ang dalawang alagang aso na nasa loob ng bahay ng mangyari ang sunog.