ILOILO CITY – Tiniyak ng mga bus companies na masusunod ang health protocol kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga terminal.
Ito ay matapos nagbigay na ng go signal ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbalik ng operasyon ng provincial buses na may point-to-point routes.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jade Seballos, legal and media relations officer ng Vallacar Transit Incorporated, sinabi nito na handa na sila sa pagbalik byahe at ang hinihintay na lang nila ay ang implementing rules mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ng local government units.
Napag-alaman na higit sa 200 na mga provincial bus na binubuo ng iba’t-ibang kumpaniya ang babalik na sa byahe.