Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) ang mahigpit na implementasyon ng Anti-Agricultural Sabotage Act.
Ginawa ng Pangulong Marcos ang pahayag sa inspeksyon ng PhP178.5 milyong halaga ng smuggled na mackerel sa Maynila.
Binigyang-diin ng Presidente na ang pagpapalakas sa implementasyon ng naturang batas ay para sa proteksyon ng mga mamimili, at mga magsasaka at mangingisda.
Ayon sa Punong Ehekutibo na ang pinalakas na aksiyon ng gobyerno laban sa mga smgglers ay nakaka-gambala sa supply chain at nakaka-apekto sa presyo ng mga produktong pang agrikultura sa mga lokal na merkado.
“Kaya’t ito ‘yung buong tinatawag na chain na kailangan nating buwagin. At ito’y, as I said, is the first case under the new law of the Anti-Agricultural Sabotage Act. So, I’ve spoken to our Bureau of Customs, and I’ve spoken to the Department of Agriculture and we have to keep going. Kailangang patibayin pa natin ito,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos.
Samantala, Kasama ang DSWD, nakiisa rin si PBBM sa pamamahagi ng tig-dalawang kilo ng nasamsam na isda sa 21,000 na sambahayan sa Baseco.
Nasa 150,000 na pamilya ang makatatanggap ng mackarel, kasama ang mga pinakanangangailangan
sa NCR, Bulacan, at Cavite.
Mabibigyan din ang mga city jail, public hospital, at iba pang care facility sa mga nasabing lugar.