-- Advertisements --

ECQ1

Mas mahigpit na inspection ang asahan sa mga itinatag na quarantine control points sa buong Metro Manila sa unang araw ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Nasa 6,800 na mga pulis ang ipapakalat ng PNP Joint Task Force Covid Shield sa mga quarantine control points para matiyak na mga authorized persons outside residence ang makakalabas at makakapasok sa NCR.
Ayon kay JTF Covid Shield Commander Lt Gen. Israel Ephraim Dickson nasa kabuuang 361 QCPS, checkpoints, at Dedicated Control Points (DCP) ang itinatag malapit sa boundary ng NCR Plus, kasama ang Cavite, Bulacan, Laguna, and Rizal, na babantayan ng mahigit 3,700 pulis.
586 pulis naman ang idedeploy sa 34 QCPs at 2,398 na pulis naman ang magmamando ng 244 law enforcement checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Habang 30 tauhan ng PNP-Highway Patrol Group ang magbabantay sa dedicated control points (DCP).
Nitong nakalipas na araw ay kanilang tinutukan ang mga boundaries ng Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan sa NCR Plus.
Ngayong nasa ECQ ang NCR, hihigpitan na rin ng PNP ang boundaries sa Metro Manila partikular ang mga karatig probinsiya nito.
Nakatakdang mag-iikot ngayong umaga sa ibat ibang QCPs si Dickson kasama si PNP Chief Gen. Guil
lermo Eleazar para personal alamin ang sitwasyon sa mga checkpoints.
Siniguro naman ni Dickson na nakalatag na rin ang seguridad sa mga vaccination sites.