Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na patuloy na magiging masigasig ang mga pulis sa pagpapatupad ng mga health protocols at pagtulong sa mga local government units (LGU) sa implementasyon ng mga lokal na health ordinances.
Ito ay sa mga lugar na idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at modified GCQ.
Ayon kay PNP spokesperson B/Gen Bernard Banac, kabilang dito ang pagtatatag ng mga Quarantine Control Points upang masiguro na mga otorisadong indibidwal lang ang lumalabas ng bahay.
Kasama rin dito ang pagtiyak na nasusunod ang mga restrictions sa 11 pampublikong transportasyon.
Sinabi ni Banac na ang operasyon ng PNP ay susunod sa guidelines ng DILG at IATF.
Muling nanawagan si Banac sa mga residente sa mga apektadong lugar na makipag-cooperate sa mga lokal na otoridad upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
“The PNP wil continue to observe official administrative issuances of higher authorities on matters involving force protection and Covid-19 resiliency of PNP Units and personnel, in line with Memorandum Circular issued last August 3, 2020 by the Office of the President on Operational Capacity to be Adopted by Government Agencies and Instrumentalities during a Modifed Enhanced Community Quarantine,” pahayag pa ni Gen. Banac.