-- Advertisements --

ILOILO CITY – Mahigpit na seguridad ang ipapatupad kasabay ng gaganaping pagkikita ni Presidente Ferdinand Marcos, Jr. sa Filipino community sa Japan sa Pebrero 12.

Ang presidente at ang buong Philippine delegation ay tutulak na ngayong araw papuntang Tokyo para sa “official working visit”.

Ayon kay Bombo Josel Palma direkta sa Japan, 1, 350 lamang na mga Filipino na naka-pregister na ang makakapunta sa venue na hindi rin isinapubliko.

Ang venue ay hindi isinapubliko upang maiwasan ang pagpunta ng maraming mga Pilipino.

Aniya, iniiwasan sa nasabing bansa ang malaking pagtitipon dahil parin sa Coronavirus disease 2019 at mahigpit ang seguridad ng Japanese authorities upang hindi na maulit muli ang nangyari kay former Prime Minister Shinzo Abe kung saan, pinaslang ito sa isang rally.

Limitado rin ang numero ng mga magsisilbing marshal sa nasabing event hindi kagaya sa meet and greet ng nagdaang mga pangulo.

Dagdag pa ni Bombo Josel Palma, ang gusto nilang marinig mula kay Marcos ay ang mga programa para sa kanilang mga Pinoy at ang pagpapatayo sana ng shelter para sa distressed workers.