Ipinapanawagan ng grupo ng mga doktor sa bansa na kailangang dagdagan ang intervention ng gobyerno imbes na magpatupad ng travel bans sa gitna ng banta ng Omicron variant.
Sinabi ni Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians na kailangan sa bansa ang mas mahigpit na testing at quarantine measures.
Kahit saan pa man aniya nagmula ang mga travelers, kailangan e-test at isailalim sa quarantine.
Sa ngayon, mahigit 60 Pinoy na nagmula sa red list countries ang mahigpit na mino-monitor ng Bureau of Quarantine.
Nasa 14 na bansa na rin kasama sa COVID-19 red list ng Pilipinas, tulad ng South Africa kung saan unang na-detect ang variant.
Napag-alaman na bawal pumasok sa bansa ang mga biyaherong galing sa mga red list country sa nakalipas na 14 araw.
Kung ang flight naman ay bago nailagay sa red list ang bansang pinanggalingan ay pinapayagan ito, pero kinakailangang mag-quarantine pagdating ng Pilipinas.