Ikinababahala ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen ang walang patid na pagdami ng mga text scams sa bansa mula sa mga di kilalang numero.
Sa kanyang social media post, inilabas ng mahistrado ang kanyang reklamo sa mga text scams na kanyang natatanggap.
Umaasa rin ito na isang araw ay hindi na siya makatatanggap muli ng ganitong uri ng mensahe.
Nakakatanggap rin aniya siya ng text messages na kung saan hinihingi ng sender ang kanyang imposmayon habang nagpapakilala ito kinatawan mula sa isang partikular na bangko.
Kung maaalala,noong nakaraang linggo, binatikos ng ilang senador ang National Telecommunications Commission matapos sabihin ng ahensya na ang SIM Card Registration Act ay hindi “silver bullet” para wakasan ang mga text o messaging scam.
Kabilang sa mga bumatikos sa NTC ay sina Senate President Chiz Escudero at Sen Grace Poe.
Ang Republic Act 11934, o ang SIM Card Registration Act, ang unang batas na nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. nang maupo siya sa pwesto noong 2022.
Layon ng batas na ito na wakasan o pigilan ang mga electronic communications-aided crimes gaya ng text spam.