-- Advertisements --
LAOAG CITY – Nanawagan sa pamahalaan ang ilang lokal na opisyal sa Hilagang Luzon hinggil sa posibilidad na may maaresto muling mga illegal foreign fishermen sa dalampasigan ng bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Brgy. Davila, Pasuquin chairman Elvira Agoo, hindi patas kung bibigyan lang muli ng gobyerno ng amnestiya ang mga dayuhang nanghuhuli ng lamang dagat sa teritoryo ng Pilipinas.
Iginiit nito ang nangyari noon sa nadakip na Vietnamese fishing vessel na binigyan ng amnestiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Agoo, malaki ang iniiwan na epekto ng foreign fishermen sa mga lokal na mangingisda dahil nalulugi umano ang mga ito.
Apektado rin daw nito ang pamumuhay ng mga nagbebenta ng isda sa lalawigan.