Todo papuri ang World Health Organization (WHO) Philippine Office at ng national government sa pamahalaang lokal ng Taguig sa pamumuno ni Mayor Lino Cayetano dahil daw sa mahusay na vaccination rollout ng tanggapin ng siyudad ang nasa 7,020 vaccine doses mula sa Pfizer BioNTech.
Ayon kay WHO Philippines head Dr. Rabindra Abeyasinghe, dapat pamarisan ang ginawa ng Taguig dahil sa todong pagsisikap at malawak na pagpapalano para sa bawat detalye para sa vaccine rollout.
Pinuri rin nito ang training center ng siyudad kung saan ang mga medical experts and practitioners sumasailalim sa seminar on proper handling sa mga COVID-19 cases.
“Mr. Mayor, sincere thanks for your leadership,” pahayag ni Dr. Abeyasinghe kay Mayor Cayetano.
Pinuri rin ito ni National Task Force Against COVID-19 chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. dahil sa mga ginagawang innovations sa pagtugon sa pandemic.
“I would like to thank Mayor Lino. Alam ninyo ‘pag laging pumupunta kami dito, laging may bago,” pahayag naman ni Galvez.
Kamakailan ay inilunsad ng Taguig City ang Park ‘N Test testing option vaccination bus kung saan ang mga vaccination priority list subalit hindi makapunta sa mga vaccination center ay pinupuntahan at sa nasabing bus na lang binabakunahan.
“This new vaccination bus is a self-contained, clean, and safe location for vaccinations to take place with each unit augmenting the streamlined vaccination process being done across the city’s MegaVaccination Hubs and Community Vaccination Centers,” wika ni Cayetano.
Ipinagmamalaki rin ng siyudad ang kanilang mobile vaccination hubs na kayang i-accomodate ang 200 katao sa isang araw para mabakunahan.
“We are encouraged by what we see. We are very happy to report that to our COVAX partners as we move towards mobilizing additional vaccines for the Philippines,” pahayag pa ni Dr. Abeyasinghe.
Hinimok din ni Abeyasinghe ang iba pang lungsod at bayan na gayahin ang ginagawang hakbang ng Taguig dahil sa napakagandang rollout ng bakuna kontra COVID-19.
“It is commendable, and we salute your leadership and initiative. As we roll out the vaccines, we need local government ownership. We need a partnership with key partners on the ground. So let us all come together, cooperate and work together to ensure that the people of Taguig and the people of the Philippines are protected, and we can heal as one in this nation,” dagdag pa ni Dr. Abeyasinghe.
Siniguro naman ni Mayor Cayetano na ang mga bakuna na kanilang natatanggap mula sa national government ay mapupunta sa mga residente ng siyudad.
Sa ngayon as of May 15, nasa 49,,636 individuals na ang naturukan ng Covid-19 vaccine na kinabibilangan ng A1, A2 at A3 ang mga medical frontliners, senior citizen at persons with comorbidities.