-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbaba ng crime rate sa Pilipinas simula nang maupo ito sa puwesto.

Sa isang panayam kay Pangulong Duterte sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi nitong halos 40 porsiyento ang ibinaba ng krimen sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, naniniwala siyang malaking bagay sa pagbaba ng krimen ay ang paghupa ng drug situation bunsod ng pinaigting na anti-drug war campaign ng pamahalaan.

Dahil dito aniya ay itutuloy niya ang kampanya kontra iligal na droga hanggang sa huling tatlong taon ng kanyang termino.

Mariin naman itinanggi ni Pangulong Duterte na gobyerno ang nasa likod ng mga patayan at kung mayroon man daw namamatay sa mga police operations, tiyak siyang may rason ang mga pulis kung nangyari man ang ganitong insidente.

Maliban sa drug war, tiniyak din ni Pangulong Duterte na tuloy pa rin ang anti-corruption drive sa natitirang tatlong taon niya sa tungkulin.