Naniniwala ang mga opisyal ng World Health Organization (WHO) na nakakapagkomplikado sa rollout ng bakuna ang maiksing shelf life ng Astrazeneca vaccines.
Ito ang panibagong hamon ngayon ng COVAX vaccine sharing project na pinangungunahan ng WHO na layong maipaabot ang mga bakuna sa higit na mga nangangailangang mamamayan sa buong mundo.
Karamihan sa 19 na mga bansa sa Africa ang expired na ang Astrazeneca doses.
Nasa kabuuang 1.3 million Astrazeneca vaccines ang idineklarang expired doses , sa ibang mga bakuna naman nasa 280,000 ang expired na J&J , 15,000 sa Moderna at 13,000 sa Sputnik vaccine ng Russia.
Ang Astrazeneca ang pangalawa sa pinakamalaking supllier ng COVAX.
Kabuuang 2.6 billion vaccine doses na ang naipamahagi sa buong mundo ng Astrazeneca kung saan two thirds nito ay ipinamahagi sa mga low at lower middle inome countries.