Posibleng hanggang Huwebes ay hindi pa rin mareresolba ng maaga kung sino ang nanalo sa katatapos lamang na Presidential elections Amerika.
Ang pangunahing dahilan? Hindi pa natatapos ang pagbibilang sa mga boto na ipinadala sa pamamagitan ng mail ballot o ipinadala sa koreo (absentee voting).
Kaya naman dumami ngayon ang mail-in ballots ay dahil sa takot na pumila ng mga botante sa mga presinto dahil sa posibleng dami ng mga tao at pagkahawa sa COVID-19.
May mga estado rin sa Amerika na hindi pa sanay sa mail-in ballots.
Tulad ng mga swing states o battleground states na Michigan, Pennsylvania at Wisconsin.
Ang mga mambabatas dito ay mga kapartido ni Trump sa Republicans.
Ito yong estado na nagdesisyon na bibilangin ang absentee voting pagkatapos na ng botohan.
Ibig sabihin aabutin pa ito ng ilang araw.
Ang Pennsylvania, Wisconsin, Michigan at Georgia — libu-libo pa rin ang mga absentee ballots ang hindi pa rin nabibilang.
Posibleng magpa-delay din sa pagdeklara ng nanalong presidente ay dahil may ilang mga pangunahing estado sa Amerika ang pinayagang bibilangin pa rin ang mail ballots pagkatapos na ng election day.
Tulad ito ng estado ng Nevada na ang deadline ay sa November 10 kung ito ay nai-postmark sa araw ng eleksiyon.
Sa North Carolina, puwede pang tanggapin hanggang November 12.