-- Advertisements --

(Update) TACLOBAN CITY – Ikinokonsiderang malaking pabor sa gobyerno at ng mga kasundaluhan ang pagkakabuwag ng kuta sa Eastern Samar na pinaniniwalaang main camp ng New People’s Army (NPA) sa buong Eastern Visayas.

dolores

Una nito, na-dismantle ang nasabing kuta matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at mga kasundaluhan ng 8th Infantry Division sa Brgy. OsmeƱa, Dolores, Eastern Samar.

Ayon kay Eastern Samar Governor Ben Evardone, base sa report, kumpirmadong 16 ang naitalang patay na NPA samantala wala namang nasugatan o napatay sa kampo ng mga militar.

Aabot din sa 29 high powered firearms at mga IEDs ang narekober sa insidente.

Sinabi pa ni Evardone, malaking dagok at kawalan ito sa pwersa ng mga NPA lalo pa’t marami ang namatay sa kanila at nabuwag ng mga militar ang kanilang pangunahin at pinakamalaking kuta sa buong rehiyon.

Nabatid na sa ngayon ay patuloy ang ginagawang operasyon ng mga militar at doble rin ang kanilang pag-iingat sa posibleng pag-ganti ng mga rebelde.

Napag-alaman na umabot ng 13 oras ang nangyaring barilan at airstrikes kahapon sa nangyaring engkwentro ng mga militar at mga rebelde sa nasabing bayan.