-- Advertisements --

Isasailalim sa lockdown ang central office ng Department of Labor and Employment (DOLE) at mga tanggapan nito sa BF condominium sa Intramuros, Manila, maging ang opisina nito sa Antonino Bldg., sa Kalaw, Maynila.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na nagpositibo kasi sa COVID-19 ang tatlo nitong mga empleyado.

Maliban sa disinfection, magsasagawa rin ng iba pang mga safety at health measures ang kagawaran upang mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

Babalik sa normal na operasyon ang mga tanggapan ng DOLE sa Maynila sa Marso 22, ngunit may essential duty naman ang skeletal force sa Marso 19.