-- Advertisements --
Ikinasal ang actress na si Maine Mendoza at Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde.
Isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa lungsod ng Baguio, Benguet nitong hapon ng Hulyo 28.
Dinaluhan ito ng mga malapit na kaibigan mga kaanak at kasamahan sa showbiz.
Hindi muna naglabas ng mga larawan ang magkabilang kampo ukol sa kanilang larawan.
Unang nagkakilala ang dalawa noong Hulyo 28, 2018 at nagsama sila sa pelikulang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles”.
Noong Hulyo 28, 2022 ng maging opisyal na ang engagement ng dalawa.