-- Advertisements --

Magiging mainit ang lagay ng panahon kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Ayon kay PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) forecaster Jomaila Garrido, walang aktibong sama ng panahon na maaaring maghatid ng ulan ngayong araw sa loob at paligid ng ating bansa.

Gayunman, maaaring makapagtala ng isolated thunderstorm sa hapon at gabi sa ilang lugar ng bansa kasama na ang Metro Manila.

Nakakaapekto naman ang mahinang habagat sa ilang parte ng Northern Luzon, matapos itong mahatak ng mga nagdaang bagyo noong nakalipas na linggo.