DAVAO CITY – Itinuturing na malaking hamon sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Davao ang mainit na panahon sa siyudad lalo na para sa Palarong Pambansa 2019 na opisyal na magbubukas sa darating na Abril 27.
Ayon kay Davao City Sports Development Office head Mikee Aportodera, pagpasok ng tag-init ay mataas umano ang heat index na nararanasan sa lungsod.
Dagdag pa ni Aportadera, gagawin ang ibang laro lalo na ang outdoor activities mula alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at sa hapon ay magsisimula naman dakong alas-3:00.
Samantala, malaki rin ang posibilidad na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa opening ceremony ng isa sa malaking sports event na gagawin sa Davao City.
Kaya naman, kinokonsidera rin ang security measures nito at tinatalakay na ang mga bawal na dalhin sa venue tulad na lamang ng pagdala ng bottled waters o kahit na anong transparent container.