-- Advertisements --

Hindi magiging sobrang init tulad ng naranasan noong nakalipas na taon ang ‘hot at dry season’ ngayong 2025, ayon sa state weather bureau.

Ayon kay climate monitoring and prediction chief Ana Liza Solis, ang mahinang northeast monsoon o Amihan ay nagdudulot ng mas mataas na temperatura sa bansa ngunit hindi pa ito hudyat ng pagsisimula ng mainit at tagtuyot na panahon.

Aniya, maaaring iiral ang mahinang amihan sa pagtatapos ng linggo.

Inihalimbawa pa ng opisyal na ang temperatura sa Lungsod ng Quezon noong Lunes ay umabot lamang sa 37-38 degrees Celsius, na mas mababa sa pagtaya na 46 degrees Celsius heat index.

Samantala, ayon sa bureau, posibleng magsimula ang dry season ngayong taon sa ikatlong linggo ng Marso, na may temperaturang aabot sa 39 degrees Celsius sa Northern Luzon partikular sa mga urban areas.

Top