LAOAG CITY – Mainit na suporta ng mga kapwa Pilipino ang naging inspirasyon ng Philippine Shooting Men’s Trap Team para makamit a gintong medalya sa 30TH Southeast Asian Games (SEAGames).
Ito ang sinabi Mr. Eric Ang, isa sa miyembro ng team at taga ciudad ng Laoag dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ayon kay Ang, kulang ang naging preparasyon nila sa kanilang pagsasanay dahil kakatapos lamang ang venue nila noong Sabado bago sumabak sa SEA Games.
Sabi niya na ito ang pangatlong oportunidad na nakamit niya ang gold medal sa SEA Games kung saan una niyang naibulsa ang gintong medalya noong 1999 sa Brunei at noong 2003 sa Vietnam.
Kasama ni Ang sa team sina Carlos Carag at Alexander Topacio.
Nakalaban ng Philippine Team ang Thailand, Singapore, Myanmar, Vietnam at Malaysia.
Nagpapasalamat naman si Ang dahil sa ibinibigay na suporta ng gobyerno at Shooting Community sa kanilang team at lahat ng atletang Pilipino.
Ipinagmalaki pa ni Ang ang pagpunta ni dating senador Bongbong Marcos sa Subic para mapanood ang kanilang laro.
Anya, nung makita nila ang presensya ni Marcos ay mas lalo silang ginanahang at naging matapang sa paglalaro hanggang sa nakamit nila ang gintong medalya.
Samantala, inihayag ni Ang na pagkatapos ng SEA Games ay simulan na rin nila agad ang paghahanda para sa 2024 Paris Olympics.