-- Advertisements --
https://twitter.com/jesuiskent/status/1117571623614181377

Maraming pasahero pa rin ng MRT-3 ang nalito matapos na wala silang masakyang train sa kahabaan ng EDSA dahil sa pagsisimula ng halos isang linggong maintenance shutdown.

Dahil dito ay nagpakalat ng halos 200 mga bus sa iba’t-ibang mga station ng MRT-3 ang mga ahensiya ng gobyerno.

Mula alas-5:00 ng umga hanggang alas-9:00 ng gabi ay maaaring masakyan ang nasabing mga buses at ang pamasahe ay kahalintulad din ng bayad sa mga MRT.

Pilit namang inayos ng mga kasapi ng PNP, Highway Patrol Group at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lagay ng trapiko sa lugar kung saan nakapila ang mga mananakay ng MRT mula bahagi ng Quezon City hanggang sa Pasay City.

Ang pag-deploy ng maraming bus ay bilang alternatibong sasakyan ng MRT commuters.

Ayon kay MMDA traffic head Bong Nebrija, pupwesto ang mga ito sa North EDSA at Pasay, Taft Avenue na parehong dulong istasyon ng naturang linya ng tren.

Magsasakay at magbaba lamang ng pasahero ang nasabing mga bus sa kada istasyon ng MRT-3.

Una nang naglabas ng advisory ang MRT-3 na simula ngayong araw hanggang April 21 ay naka-shut down ang linya ng tren dahil sa taunang maintenance nito.

DOTR MRT ADVISORY

Samantala ang LRT-1 at LRT-2 ay nasa regular operation pa sa ngayon hanggang Miyerkules at maghihinto ng biyahe mula Huwebes Santo hanggang Easter Sunday, April 21.