Nagbabala sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senate committee on justice chairman Sen. Richard Gordon sa na-contempt na si P Maj. Rodney Boloyo, na maaari itong magtagal sa New Bilibid Prisons (NBP) hanggang sa taong 2022.
Ayon kay Gordon, kung hindi magsasabi ng totoo si Baloyo sa kanilang komite, wala silang planong basta na lang ito pauwiin.
Matatandaang si Baloyo ang pinuno ng raiding team na sumalakay sa bahay ng Chinese na si Johnson Lee noong 2013.
Pero sa halip na 200 kg ang ideklarang droga na kanilang nakumpiska, 36 kg lang umano ang nai-presenta nito sa crime laboratory.
Ayon naman kay Drilon, malinaw na nagsinungaling ang nasabing pulis base sa mga hawak nilang ebidensya.
Giit ni Drilon, kitang-kita na ang mga butas sa testimonya ni Baloyo, ngunit nakakapagtakang nagmamatigas pa rin ito na sabihin ang totoong pangyayari.
Sa ngayon ay nakakulong na ito sa Bilibid sa isang maliit na silid at bibigyan na lamang siya ng pagkaing katulad ng kinakain ng ibang bilanggo na may budget na aabot lang sa P39 kada araw.