-- Advertisements --
maj rodney Baloyo senate
Police Maj. Rodnie Baloyo

Isinulong ni Sen. Panfilo Lacson na tuluyang i-contempt ang pinuno ng operasyon sa Pampanga na sinasabing dawit sa maling sistema ng raid noong 2013 dahil sa pagsisinungaling.

Ayon kay Lacson, sinikap niyang paaminin si police Maj. Rodnie Baloyo sa tunay na detalye ng pangyayari sa nasabing buy bust operation, ngunit nagpatuloy lang ito sa pagsisinungaling.

Sa pagtatanong kasi ng mga senador, lumitaw na hindi nagtutugma ang oras na sinasabi ni Baluyo sa mga hawak nilang ebidensya.

Kinatigan pa ni retired Brig. Gen. Manuel Gaerlan ang findings ng mga senador, dahil sila raw ang gumawa noon ng imbestigasyon sa irigularidad na ginawa ng grupo ni Baluyo.

Dahil dito, ikukulong ang demoted police official sa Pasay City Jail.