-- Advertisements --
Kasabay ng Easter Sunday, inanunsyo ni Maja Salvador na siya ay ikakasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Sa mga post ng 33-year-old actress, nariyan ang larawan kung saan ibinida nito ang suot na engagement ring habang mayroong hawak na baso.
Mayroon ding kuha kung saan kapwa emosyonal ang husband and wife to be.
“My new beginning,” caption nito sa larawan kung saan naka-tag ang fiance na si Rambo Nuñez Ortega.
Maging ang negosyanteng si Rambo ay may sariling bersyon din ng engagement post kung saan “the best part is yet to come” naman ang kanyang litanya.