-- Advertisements --
Nanguna ang actress na si Maja Salvador na mabibigyan ng parangal sa 2023 Eastwood City Walk of Fame.
Ayon sa organizers na nagkaroon ng malaking kontribusyon ang actress sa pelikula at TV drama.
Kabilang din na mabibigyan ng parangal si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, journalist na si Mario Dumaual, singer Janet Basco, dancer na sina Ranz Kyle at Niana Guerrero at broadcaster na si Gerry Baja.
Itinaguyod ng namayapang si German Moreno ang nasabing Walk of Fame at mula noon ay aabot sa 300 na mga personalidad mula sa iba’t-ibang laranga ng sports, TV, pelikula at balita ang nabigyan na ng parangal.