BAGUIO CITY – Umabot na sa full capacity ang apat na major hospitals dito sa Baguio City matapos mapuno ang mga COVID-19 Isolation Units ng mga ito dahil sa pagtaas ng bilang ng mga naimpeksion ng coronavirus.
Unang ipinahayag ng Saint Louis University Sacred Heart Hospital na puno na ang bed capacity ng kanilang COVID-19 ward kaya hindi muna sila tatanggap ng mga COVID patients.
Sunod na nagpahayag ng kaparehong full capacity ng COVID-19 wards ang Notre Dame De Chartres Hospital, Pines City Doctors Hospital at Baguio Medical Center.
Sinabi pa ng mga nasabing pagamutan na ilan sa mga COVID patients nila ay nasa emergency room at ang iba pang pasyente ay nasa waiting list.
Batay sa report ng Baguio City Public Information Office (PIO), naitala ng lungsod ang 119 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon kung saan sa kabuuan ay 8,055 ang kaso ng COVID-19 sa Baguio na ikinasawi ng 134 indibidual.
Nakakaranas na rin umano ng delays ang pagreport ng COVID-19 cases sa Baguio dahil sa volume ng isinasagawang COVID tests sa molecular laboratory ng lungsod na ngayon ay nasa downscaled operations.
Ayon naman sa DOH-Cordillera noong April 2 ay naitala ng Cordillera Region ang highest occupancy rate ng mga ospital sa buong bansa na umabot sa 77.7%.