-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Sinira ng landslide ang isang kabahayan sa Sitio Lemkemwek sa Brgy. Lamlahak sa bayan ng Lake Sebu.

Kinilala ang may ari ng bahay kay Bobby Ugal, 24 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa panayam kay Lake Sebu Mayor Floro Gandam, dahil umano sa gabi gabing pagbuhos ng ulan ang naging dahilan ng landslide kung kayat nasira ang ilang daan at pamamahay.

Ayon pa dito agad naman umanong nagresponde ang mga kapulisan at mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

Dagdag pa nito, nagsagawa na ng road clearing operation ang Lake Sebu Engineering Office at katatapos lamang ang kanilang pagsasagawa ng damage assesment.

Samantala, nagpaabot na ang nasabing ng alkalde ng paunang tulong sa pamilya na naapektuhan ng landslide kabilang na dito ang cash at housing materials assistance.

Kung maalala, maliban sa panibagong naitalng landslides ay nagpapatuloy ang ilang rehabilitasyon sa ilang barangay sa nasabing bayan.