-- Advertisements --

Nagbanta si U.S. President Donald Trump na maglulunsad sila ng “major retaliation” o malaking paghihiganti kontra sa Iran sakaling bumawi ang Tehran sa pagpatay ng Amerika sa isa sa kanilang mga top generals noong nakaraang linggo.

Sa pahayag ni Trump, muli rin nitong iginiit na walang mali sa pag-target nila sa 52 cultural sites ng Iran, kahit na maraming mga eksperto at mga legal scholars ang tumututol sa nasabing hakbang ng Estados Unidos.

“They’re allowed to kill our people. They’re allowed to torture and maim our people. they’re allowed to use roadside bombs and blow up our people. And we’re not allowed to touch their cultural site? It doesn’t work that way,” wika ni Trump.

Posible rin aniyang talakayin ng kanyang administrasyon ang paglalabas ng mga intelligence kaugnay ng napatay na si Qasem Soleimani.

Kaugnay nito, nagbabala rin si Trump na magpapataw ito ng napakalaking sanctions sa Iraq sakaling ituloy nito ang pagpapalayas ng US troops sa kanilang bansa.

“We have a very extraordinarily expensive air base that’s there. It cost billions of dollars to build, long before my time. We’re not leaving unless they pay us back for it,” ani Trump.

Una nang nagbabala ang American leader na magkakaroon ng malawakang pamomomba sa Iran sakaling atakihin nito ang puwersa ng Amerika, maging ang kanilang mga interes sa rehiyon.