-- Advertisements --
Nagpahayag ng suporta ang ilang mga major sporting brand sponsor ni Japanese tennis star Naomi Osaka.
Ito ay matapos ang desisyon nitong pag-atras sa paglalaro sa French Open dahil sa pakikipaglaban sa depression.
Ayon sa isa nitong sponsor na NIke na kinikilala nila ang naging lakas ng loob ng tennis star.
Ilan sa mga sponsors nito ang nagbigay ng suporta ay ang Swiss luxury watchmaker na TAG Heuer at Mastercard.
Magugunitang pinatawan ng organizer ng French Open ng $15,000 si Osaka dahil sa pahayag nito na hindi magbibigay ng panayam sa kasagsagan ng torneo.