-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaasahan nang manalasa ang isang major winter storm sa halos 48 estado sa Amerika bago ang Pasko.

Ayon kay Bombo International Correspondent Rufino ‘Pinoy’ Gonzales, ang nasabing bagyo ay magdadala ng matinding snow, yelo at matinding pagbaba ng temperatura sa mga estado sa Amerika maliban lang sa Florida at Hawaii.

Nag-isyu na ang National Weather Service ng babala hinggil sa napipintong winter storm.

May posibilidad na aabot sa 24 pulgada ang snow sa ilang lugar at marami mga lower-lying areas ang makararanas ng pagyeyelo ng ilang araw.

Aabot naman ang temperatura sa below zero na may wind chill factor.

Tiniyak naman ng mga opisyal ng estado sa mga residente na nakahanda na ang gobyerno sa pagkakataong ito at hindi na muling mangyayari ang nakaraang taong pagkawala ng kuryente.

Magdagdag na rin anya ng power reserves upang matiyak na may nakahandang karagdagang suplay ng kuryente.