Dinipensa ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Representative Mannix Dalipe ang pagtungo sa Singapore nitong weekend ni Speaker Martin Romualdez kasama si Pangulong Bongbong Marcos para manood ng Formula 1 Singapore Grand Prix kung saan ang nanalo ay si Sergio Perez.
Ayon kay Dalipe, lahat ng leaders sa Southeast Asia ay inimbitahan ng Singapore government kaugnay sa nasabing event at hindi lamang si PBBM ang nagpunta para manuod.
Aniya, walang masama na pumunta ang pangulo sa nasabing event.
Dagdag pa ni Dalipe na ang pagsama ni Speaker Romualdez kay PBBM ay dahil na rin sa imbitasyon.
Sa kabilang dako, suportado naman ni Dalipe ang ipinanukala ni House Dangerous Drug Board Chairman at Surigao del Norte 2nd District Rep na isalang sa mandatory drug test ang mga celebrity bago sila magsimula sa trabaho.
Sinabi ni Dalipe, maganda ang ipinanukala ni Barbers lalo at ang mga artista ay iniidolo ng lahat lalo na ang mga kabataan.
Sa kabila na naka recess ang Kongreso, pinangunahan ni Dalipe ang flag raising ceremony sa Kamara.