Kumpiyansa si House Majority Leader Mannix Dalipe na mapagtitibay ang kooperasyon ng dalawang Kapulungan sa legislative process ngayong nahalal bilang bagong Senate President si Senador Chiz Escudero.
Ayon kay Dalipe, inaaasahan niyang magkakahanay ang Senado at Kamara partikular sa mga prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.
Mahalaga aniya ang pamumuno ni Escudero sa pagtalakay sa mga panukalang susi sa kaunlaran ng bansa.
Tiwala rin si Dalipe na magkakaroon ng produktibong kolaborasyon sa Senado matapos mahalal si Senador Francis Tolentino bilang Majority Leader.
Sabik na umano siyang makatrabaho si Tolentino para maisulong ang mga panukalang batas kasabay ng pag-asang sa ilalim ng liderato ni Escudero ay maisasakatuparan na ang economic Charter Change.
Samantala, naniniwala naman si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na ang layunin ng pagpapalit ng liderato sa Senado ay upang gawing mas maliit ang puwang sa kakampi ng mga Duterte na maniobrahin ang loob ng Kapulungan.
umaasa ang administrasyong Marcos na maipapasa na ang Cha-Cha sa Senado bilang ito ang nagsilbing hadlang sa pagbabago ng Konstitusyon sa mga nakalipas na panahon.
Hinamon naman nito si Escudero na pakinggan ang mga panawagan at tuluyan nang ibasura ang constitutional reform at Mandatory ROTC.