Tumatak sa dalawang lider ng Kamara ang naging talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pagsisimula ng kampanya dahil sa pagiging maka-Pilipinong mensahe nito ukol sa West Philippine Sea at pagiging issue-based ng pangangampanya.
Partikular na tinukoy ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union ang posisyon ng Pangulo ukol sa national sovereignty.
Binigyang diin ni Ortega ang kahalagan ng mensaheng ito na akma sa kaniyang pananaw.
Pinaka nakapukaw naman kay Manila Rep. Ernix Dionisio ang panawagan ng Pangulo para sa isang issue-based politics.
Tinuligsa naman ni Dionisio ang mga kandidato na umaasa lang sa affiliations o koneksyon kaysa sa plataporma.
Binigyang diin din niya ang kahalagahan na pumili ng pinuni batay sa kanilang commitment sa interes ng bayan.
Sa pagnilay sa talumpati ng Pangulo, nagpahayag ng suporta si Dionisio sa mga kandidato ng alyansa.
Kapwa binibigyang-diin ng dalawang mambabatas ang kanilang pangako sa pagtataguyod ng mga kandidatong inuuna ang kapakanan ng bansa.
Sa talumpati ng Pangulo, na kaniyang inilahad sa senatorial slate campaign kickoff ng administrasyon, kanilang binigyang diin ang kahalagahan ng pagpili ng mga lider na nakatuon sa pambansang interes at pamamahala na nakabatay sa isyu.
Hinimok ni Marcos ang mga botante na pumili ng mga kandidatong inuuna ang soberanya at kapakanan ng bansa, na binibigyang-diin ang pangangailangan para sa isang pamahalaan na tunay na kumakatawan sa mamamayang Pilipino.
Minarkahan ng kaganapan na ito ang pagsisimula ng pagkuha ng suporta para sa mga kandidato sa pagkasenador sa paparating na halalan.