-- Advertisements --
Ipinakita sa publiko ni Russian President Vladimir Putin ang bagong fifth-generation lightweigth single-engine fighter jet.
Tinawag ang prototype stealth fighter na “Checkmate”.
Isinagawa ang pagpapakilala sa publiko sa MAKS-2021 International Aviation and Space Salon sa Zhukovsky.
Mayroong 1,500 kilometers combat radius na itinuturing na may largest thrust-to-weight ratio ito bukod pa sa low visibility at high flight performance.
Kaya nitong magdala ng mahigit pitong toneladang combat load na siyang absolute record para sa isang uri ng fighter jet.
Isasagawa ang kauna-unahang paglipad nito sa 2023 at sisimulan ang deliveries nito pagdating ng 2026.