-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nakatakdang ibahagi ng Israel ang kanilang makabagong teknolohiya upang mas mapalago ang agrikultura sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Israeli Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz, sinabi nito na nais nilang dalhin sa Pilipinas ang makabagong teknolohiya upang mas mapalago pa ang fisheries, dairy, at farming.
Tuturuan din aniya ng mga kababayan nito ang mga Pilipino kung paano mas mapapadali ang irrigation at post harvest ng mga magsasaka.
Ayon kay Harpaz, kung ano ang kanilang ginagawa sa kanilang bansa ay siya ring gagawin nila sa Pilipinas.
Samantala, ibinahagi rin ni Harpaz ang paborito nitong pagkaing pinoy kagaya ng halo-halo, native chicken at balot.