-- Advertisements --

Inalmahan ng mga Makabayan bloc ang pinapalitaw na Duterte-Duterte tandem sa 2022 election.

Sinabi ni Gabriela Rep. Arlene Brosas na isang nakakamatay na tandem sa 2022 ang nasabing pagtakbo ng mag-amang Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapangulo at sa pagka-bise presidente naman ang ama nito na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na nararapat na wakasan na ang dinatisya dahil magpapatuloy ang impluwensiya at pagkontrol ng administrasyon Duterte kahit tapos na ang termino nito.

Magugunitang maraming mga indibidwal ang nagnanais tumakbo sa pagkapangulo ang Davao City mayor habang bise Presidente naman ang ama nito na si Pres. Duterte.