-- Advertisements --

Hinimok ng Makabayan bloc sa Kamara si Pangulong Rodrigo Duterte na iendorso ang Safe Schools Declaration na kinikilala na ng nasa 87 bansa.

Kaugnay nito ay maghahain ang Kabataan party-list ng resolusyon para kalampagin ang Duterte administration na suportahan ang naturang declaration lalo’t mismong ang Department of Education ay suportado ito.

Ayon kay Rep. Sarah Elago, ito ay inter-governmental political commitment na nagbibigay ng pagkakataon sa mga bansa na suportahan ang mga hakbang sa pagprotekta sa edukasyon tuwing mayroong armed conflict.

Iginiit ni Elago na kailangang paigtingin ang kampanya para gawing “zones of peace” ang mga paaralan kung saan ginagalang ang “fundamental freedoms of organization, peaceful assembly and expression.”

“Attacks on schools and universities have been used to promote intolerance and exclusion – to further gender discrimination, for example by preventing the education of girls, to perpetuate conflict between certain communities, to restrict cultural diversity, and to deny academic freedom or the right of association,” saad nito.

Nababahala ang kongresista na kapag nagagamit ang mga paaralan at unibersidad sa mga military purposes, lalong tumataas ang posibilidad nang recruitment at paggamit sa mga kapataan ng armed sector.