-- Advertisements --
zarate
Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate

ILOILO CITY – Sa kabila ng indorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa term sharing ng dalawang mambabatas sa Kamara ay tiwala pa rin ang hanay ng Makabayan bloc sa kanilang pambato para sa pwesto.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na buo ang suporta na kanyang nakuha bilang kandidato ng Makabayan bloc mula sa 12 iba pang party-list.

Naniniwala ang mambabatas na kahit numero ang batayan sa pagiging lider ng Kamara ay desisyon pa rin ng mga miyembro nito ang mangingibabaw sa ihahalal na Hose speaker.

Nitong Lunes nang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pageendorso nito kina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco bilang susunod na lider ng Kamara.