Pinasesertipikahang “urgent” ng Makabayan bloc law maker kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas para sa pagtanggal ng mga buwis sa langis.
Ito ay sa harap ng ika labing isa na ang nararanasang oil price hike sa bansa.
Ayon kay Gabriel Party List at House Assistant Minority Leader Rep. Arlene Brosas ang pagsasabatas ng House Bill 400 ay solusyon para mapababa ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa nasabing panukala kasi, ibabasura ang koleksyion ng excise tax at ng Value Added Tax o VAT, sa pamamagitan ng pag-ayemda sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Sinabi ni Brosas na sa sandaling maging ganap na batas ang House Bill 400 ay mababawasan ng nasa P15.00 kada litro ang presyo ng diesel.
Pinasaringan naman ni Brosas si Pang. Ferdinand Marcos na mabilis gumalaw kapag manunuod ng F1 Grand Prix sa ibang bansa, ngunit mabagal ang aksyon hinggil sa walang tigil na taas-presyo ng langis.
Ayon sa lady solon na kailangan ng agarang pagkilos at tuluyan nang alisin ang mga oil tax, para sa kaginhawaaan ng mga Pilipino, lalo’t inaasahang magtutuloy-tuloy ang pagsirit ng halaga ng langis sa buong mundo.
Hinimok din ni Brosas ang mga kapwa mambabatas ang ilan pang panukala para mapababa ang presyo ng langis gaya ng regulasyon ng Downstream Oil Industry, “Unbundling” ng presyo ng petrolyo, “Centralized Procurement” ng mga produktong langis at iba pa.