Kinondena ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc ang legal maneuver ng kampo ni Vice President Sara Duterte para ipawalang saysay at ipatigil ang impeachment proceedings.
Ayon sa Makabayan isa itong tahasang pagtakas sa pananagutan at pagbibigay paliwanag sa kuwestyonableng paggamit ng milyong pisong halaga ng confidential funds.
Giit nila, una nang tumanggi ang opisyal na humarap sa pag-dinig ng Kamara, at ngayon naman ay sa mismong impeachment court.
Naniniwala ang mga progressive solons na karapatan ng mga Pilipino na makakuha ng sagot at paliwanag mula sa Pangalawang pangulo.
Kung talagang malinis anila ang konsensya ng bise-presidente ay haharap siya sa impeachment court.
Nanindigan din ang MAKABAYAN na valid ang impeachment complaint at tamang naihain salig sa rekisitos na nakasaad sa Konstitusyon.
Dahil naman dito ay mas lalo lang din anila dapat mag-convene na ang Senado bilang impeachment court.