Nagpa-abot ng kanilang pakikiramay ang Makabayan bloc sa Kongreso sa pamilya, kaibigan at kasamahan ng yumaong si Prof. Jose Maria Sison na siyang founding chairman ng Communist Party of the Philippines na pumanaw na.
Batay sa naging pahayag ng Makabayan bloc law makers si Sison ay isang patriot at revolutionary na tumayo para sa mga Pilipino laban sa oppression, exploitation at fascism nuong panahon ng Marcos dictatorship.
Ipinunto ng mga ito na si Sison ay nakulong nuon at tinorture subalit patuloy na pinapanigan ang mga mahihirap nating mga kababayan hanggang sa kaniyang pagpanaw.
Hindi rin maitatanggi na ang kaniyang panawagang armed revolution para makamit ang social justice and national liberation ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon dahil hanggang sa ngayon hindi pa rin natutugunan ng gobyerno ang social injustice na siyang nag-udyok sa mga tao na makiisa sa armadong pakikibaka.
” We take this opportunity to once again renew the call for the resumption of peace talks with CPP-NPA-NDF and the implementation of genuine socio-economic and political reforms so that the Philippines may attain a just and lasting peace,” pahayag ng Makabayan bloc lawmakers