Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc na naglalayong imbestigaban ang pagbebenta ng mga laptop na dapat ay para sa mga public school teachers ngunit ibenenta sa ilang mga online shop sa Cebu at Rizal.
Ayon sa ilang mambabatas, noong taong 2021 at 2022 maraming mga guro ang hindi nakatanggap ng laptop mula DepEd kung saan kinakailangan ng assistance noong nagshift sa online learning.
Dagdag pa ng mga mambabatas, itong pagbebenta umano ng mga laptop ay konektado doon sa P667 million contract ng DepEd sa isang logistics company sa Las Piñas.
Ngunit bigo raw ang DepEd na maayos ang P34.5 million na bayad kaya naman ang mga laptop ay hindi na ipamahagi at ibenenta na lamang ito ng kanilang subcontractors upang mabawasan ang pagkalugi.
Dahil sa insidenteng ito, maaari umanong humarap sa Anti-graft at corrupt practices act ang DepEd.