Malaking development ang acquittal ni dating Senator Leila De Lima sa pangalawang kaso nito na may kaugnayan sa droga kaya nakikita ng Makabayan Bloc ang pag asang malapit nang makalaya ang dating Senadora at umaasa rin sila na maibabasura ang pangatlong kaso na kinakaharap nito.
Binigyang diin ng mga mambabatas na ang charges laban kay De Lima ay fabricated simula pa lamang.
Ayon pa kay ACT Teachers Partylist Representative France Castro, malaki ang tulong ng dating Senadora sa pag sugpo ng maling mga impormasyon at pakikipaglaban para sa karapatan ng mga Pilipino.
“We hope that [former senator] Leila will be freed soon because we need her in the front lines in the fight against the forces of tyranny and disinformation who are again trying to trample on the Filipino people’s rights,” sinabi ni ACT Teachers Representative France Castro.
Samantala, panawagan naman ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas na palayain si De Lima pati na rin ang mga babaeng political prisoners na katulad ng nasa sitwasyon ng dating Senadora.
“Likewise, we press on with the demand to free all female political prisoners who like De Lima had been slapped with trumped-up charges,” ayon pa kay Gabriela Representative Arlene Brosas
Ngayong araw nga ay ibinababa ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 ang desisyon sa kaso ni De Lima at base sa ruling ay not guilty ang Senadora sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Isa sa dahilan ng desisyon ay ang retraction ng mga key witness sa kanilang pahayag kaugnay ng kaso ni De Lima.
Kung maaalala kasi, kinasohan si De Lima ng illegal drug trade noong 2017 at mahigit anim na taon siyang naka detene sa Camp Crame, Quezon City.
Sa kabila ng pagkapanalo sa pangalawang kasong kinakaharap ay mananatiling nakadetene ang senadora habang pending pa ang kanyang petition for bail na may kaugnayan naman sa kanyang pangatlong kaso.