Binigyang-diin ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na panatilihin na lamang ang Lupang Hinirang at Panatang Makabayan.
Pahayag ito ni Castro matapos ilabas ng Malakanyang ang Memorandum Circular no. 52.
Inaatasan ang lahat ng mga government agencies at state universities and colleges na i-recite at awitin ang “Bagong Pilipinas”.
Tanong ni Castro, isa ba itong hakbang para mapaganda at makalimutan ang martial law sa ilalim ng liderato ng kanyang yumaong ama.
Giit ni Castro, dapat bawiin ng Malakanyang ang Memorandum Order no. 52 at panatilihin na lamang ang Lupang Hinirang at Panatang Makabayan.
Sinabi ni Castro na dahil sapilitan din ito sa mga SUC’s, malinaw na ito ay “rebranding” para mabago ang pananaw ng mga kabataan sa martial law noong panahon ng Marcos Sr. Administration.
Dagdag ni Castro, sa halip na ganitong mga gimik, dapat ilaan ng gobyerno ang oras nito para mabigyan ng solusyunan ang mga problema ng mamamayan gaya ng sahod, presyo ng mga bilihin at iba pa.